Calapan, Oriental Mindoro — Mahigit 1,500 oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa Independence Day Job Fair na isasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Hunyo 12 sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Barangay Camilmil.

Aabot sa 1,522 bakanteng posisyon mula sa iba’t ibang kumpanya ang iaalok sa naturang job fair na gaganapin mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Hinihikayat ng DOLE ang mga aplikante, kabilang ang mga bagong graduate, first-time job seekers, at mga naghahanap ng panibagong trabaho, na magdala ng updated resume at iba pang kinakailangang dokumento para sa posibleng on-the-spot interview.

Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapalawak ang oportunidad sa disenteng trabaho para sa mga Pilipino.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *