na nakikinabang ang mga mamamayan ng Batangas sa mga programa at serbisyong hatid ng pamahalaan sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang (BBM) Program.

Sa pangunguna ni Gov. Vilma Santos-Recto, naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Tingloy, Lobo, Bauan, San Pascual, San Luis, Nasugbu, at Taal ang tig-10 kilong Bagong Pilipinas Rice bilang dagdag na suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ipinagkaloob din ang honorarium para sa mga volunteer worker at iba pang sektor bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad.

Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at iba pang pangunahing serbisyo sa ilalim ng Bagong Pilipinas agenda.

Kabilang din sa mga benepisyo ng programa ang educational assistance para sa mga Presidential Scholar at ang Bagong Pilipinas Rice Subsidy Program para sa mga pamilyang nangangailangan.

Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang patuloy na pagpapatupad ng mga programang magpapalawak ng benepisyo at magpapalakas ng kaunlaran sa mga komunidad sa buong lalawigan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *