Nanguna ang Puerto Princesa City sa buong MIMAROPA sa isinagawang 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment matapos makakuha ng “Ideal” rating na may kabuuang iskor na 93.57%.
Batay sa pagsusuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA, sumunod ang Occidental Mindoro, Palawan, at Romblon na pawang nakamit din ang “Ideal” functionality status.
Sinuri sa assessment ang mga polisiya, plano, badyet, at mga serbisyong ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan para sa kapakanan at proteksyon ng mga bata.
Samantala, binigyang-diin ng Department of Health (DOH) MIMAROPA ang kahalagahan ng pagsasama ng Women and Children Protection Units (WCPUs) sa lokal na referral system upang mas mapalakas ang pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso at karahasan laban sa kababaihan at kabataan.
Source: PIA MIMAROPA