Nagsagawa ng Table-Top Validation ang CALABARZON Interagency Monitoring Task Force (RMITF) para sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment sa tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A, lungsod ng Calamba noong Lunes, Mayo 11, 2026.

Bahagi ito ng patuloy na pagpapatibay ng mga programa at mekanismo para sa kapakanan at proteksyon ng mga bata at komunidad.

Layon rin ng assessment na masuri ang mga isinumiteng dokumento at Means of Verification (MOVs) mula sa mga lalawigan at Highliy Urbanized Cities (HUCs) bilang bahagi ng pagpapatupad at monitoring ng Child-Friendly Local Governance.

Sa pamamagitan nito, masusuri ang kahandaan, koordinasyon, at implementasyon ng mga polisiya at serbisyo para sa kabataan, at pagpapalakas ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga National Government Agency.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *