Namahagi ng rice subsidy ang lokal na pamahalaan ng Puerto Galera sa humigit-kumulang 3,000 transport workers at mangingisda mula Abril 9 hanggang 11 upang makatulong sa pagtaas ng gastusin dulot ng pagmahal ng presyo ng langis.

Pinangunahan ni Mayor Robinhood D. Ylagan ang tatlong araw na distribusyon na sumaklaw sa iba’t ibang barangay, kabilang ang mga tricycle driver, miyembro ng TODA, at mga may-ari ng bangka.

Ayon sa alkalde, layunin ng programa na maibsan ang epekto ng krisis sa petrolyo sa kabuhayan ng mga benepisyaryo. Samantala, nagpasalamat ang mga tumanggap ng ayuda dahil makatutulong ito upang maipambili pa ng ibang pangangailangan tulad ng gasolina at pagkain.

Bahagi ang inisyatibang ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan upang suportahan ang mga sektor na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *