Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa loob ng Passenger Terminal Building (PTB) ng Calapan Port ngayong alas-10 ng umaga, Abril 6, ayon sa pamunuan ng pantalan.

Batay sa ulat, umaabot na hanggang ikalawang palapag ang pila ng mga biyahero. Gayunpaman, nananatili umanong hindi gaanong siksikan at “manageable” pa rin ang kabuuang bilang ng mga pasahero.

Samantala, wala namang naitalang mahabang pila ng mga sasakyan sa marshalling area, indikasyon ng maayos na daloy ng trapiko papasok at palabas ng pantalan.

Patuloy namang nakaantabay ang Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa sitwasyon upang tiyakin ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng mga biyahero, lalo na sa kasalukuyang pagbalik ng mga pasahero matapos ang Mahal na Araw.

Pinapayuhan ang publiko na maglaan ng sapat na oras sa kanilang biyahe at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang maayos at ligtas na operasyon sa pantalan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *