Magkakaroon ng pansamantalang water interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal, at Cavite ngayong linggo, ayon sa Manila Water Company, Inc. at Maynilad Water Services, Inc..
Ayon sa Manila Water, isasagawa ang mga maintenance activity tulad ng leak repairs, line meter replacement, at step testing sa ilang lugar sa Taguig at Rizal, kabilang ang Rodriguez, Antipolo, Taytay, at Cainta. Magaganap ang mga ito sa pagitan ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw mula Abril 6 hanggang 9.
Samantala, inanunsyo ng Maynilad ang water interruption sa ilang bahagi ng Valenzuela City at Caloocan dahil sa network repair at maintenance mula Abril 6 hanggang 10.
Sa Cavite, inaasahan ding mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Imus mula alas-5 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi dahil sa mataas na demand sa pumping station.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig at maghanda sa mga nasabing iskedyul ng water interruption.
Source: Manila Bulletiin