Opisyal nang magsisimula sa Marso 18 ang operasyon ng rutang Pola–Socorro–Pinamalayan, ayon sa anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) MIMAROPA.
Bilang paghahanda sa pormal na pagbubukas ng ruta, nagkaloob ng libreng sakay ang MIMAROPA Transport Cooperative ngayong Pebrero 28 upang maranasan ng mga pasahero ang bagong serbisyong pampubliko sa nasabing mga bayan.
Ayon kay Enrico Moreno Bautista, Regional Director ng LTFRB MIMAROPA, itinakda ang pamasahe sa ₱15 para sa unang apat na kilometro at may karagdagang ₱2 sa bawat susunod na kilometro.

Layunin ng bagong ruta na mapabuti ang mobilidad ng mga residente at mapalakas ang ugnayang pang-ekonomiya ng mga bayan ng Pola, Socorro, at Pinamalayan. Inaasahan din na makatutulong ito sa mas mabilis at mas maayos na biyahe ng mga pasahero sa silangang bahagi ng lalawigan.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa LTFRB MIMAROPA o sa MIMAROPA Transport Cooperative.
Source: PIA Oriental Mindoro