Nakatakdang itayo ang Potable Water System sa Daet District Jail Annex at Labo District Jail sa Camarines Norte na layong magbigay ng ligtas at maaasahang suplay ng tubig sa mga pasilidad.
Kaugnay ito sa isinagawang on-site inspection ng Department of Science and Technology (DOST) Region V bilang bahagi ng pag-aaral sa pamamagitan ng teknikal na pagsusuri at inspeksyon sa pasilidad, tinukoy rin ang mga available na water sources.
Batay sa Daet District Jail Annez, layunin ng site visit na masuri ang mga posibleng mapagkukunan ng tubig at masiguro ang pagiging angkop nito para sa planong potable water system.
Mahigit sa 500 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang makikinabang kung maisasakatuparan ang naturang proyekto.
Nagpahayag ng pag-asa ang pamunuan ng BJMP Camarines Norte na ang proyekto ay magiging matagumpay at makatutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga PDL sa lalawigan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DS5dgnkFW/