Nasawi ang isang binatilyo matapos matuklaw ng makamandag na cobra habang nangangalap ng sampalok sa Barangay Nasi, Rosario, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Gerald Desacula. Ayon sa ulat, bumaba umano siya mula sa puno ng sampalok upang uminom ng tubig nang bigla siyang matuklaw ng cobra. Hindi na siya naitakbo sa ospital at tuluyan nang binawian ng buhay.

Labis na nakalulungkot ang sinapit ng binatilyo na katuwang na lamang ng kaniyang ina sa paghahanapbuhay mula nang pumanaw ang kaniyang ama. Dahil sa trahedyang ito, muling nawalan ng mahal sa buhay ang kaniyang ina, na ngayon ay kailangang harapin ang mas mabigat na pagsubok sa buhay.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *