Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla Jr. ang inagurasyon ng P12 milyong dalawang-palapag na gusali ng Ligaya National High School sa bayan ng Sablayan noong Enero 27, 2026.
Ang proyekto, na pinondohan ng DILG at ng lokal na pamahalaan ng Sablayan, ay magbibigay ng permanenteng silid-aralan at mas maayos na pasilidad para sa mga senior high school students na dati’y nagsasagawa ng klase sa pansamantalang istruktura.
Ipinahayag ni Mayor Walter Marquez na tinutugunan ng gusali ang matagal nang pangangailangan ng mga mag-aaral sa lugar. Samantala, siniguro ni Secretary Remulla ang suporta sa karagdagang pasilidad ng paaralan tulad ng covered court at internet connectivity.
Nakipagpulong din si Remulla sa mga alkalde ng 11 bayan ng lalawigan upang talakayin ang mga pangunahing isyu sa kaunlaran, kabilang ang suliranin sa suplay ng kuryente na mahalaga sa edukasyon, kaligtasan ng publiko, at ekonomiya ng lalawigan.
Source: (PIA MIMAROPA–Occidental Mindoro / Larawan mula BJMP MIMAROPA)