Posible umanong aabot sa anim na buwan ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nito lamang Sabado, January 10, 2026
“If we follow the 2023 template, this would probably take six months. Kasi yung 2023, six months bago humupa yung activity ng Mayon Volcano,” saad pa ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol
Tinawag naman ni Bacolcol ang kasalukuyang aktibidad ng Mayon na “quiet eruption,” katulad nang nag-alburoto din ito noong June 2023, kung saan patuloy itong bumubuga ng abo at mga toxic gases.
Kasalukuyan namang aabot na sa 20,000 mga residente ang inilikas mula sa six-kilometer permanent danger zone (PDZ).
“Pero yung nangyari nung 2023, may lava flow na lumabas, after several days. In fact, bago ito natapos, yung activity niya umabot lang ng halos more than three-kilometer lava flow. Ngayon wala pa tayong nakikita,” dagdag pa ni Bacolcol.
Sa ngayon, wala namang nakikitang mga senyales ang Phivolcs para sa pagtaas ng alert level ng bulkan na nananatili pa rin sa alert level 3 sapagkat wala naman silang nakikitang pagdami ng PDCs, lava, maging ng sunud-sunod na mga volcanic earthquakes.
“Wala pang lava flow na lumalabas. Yung lava natin, nandun lang sa bunganga. So hindi pa talaga ito yung nakikita nating previously na umaagos,” saad pa ni Bacolcol.
Source: https://www.abs-cbn.com/news/regions/2026/1/10/phivolcs-mayon-unrest-may-last-6-months-1416