Isang matagumpay na magkasanib na operasyon sa Labo, Camarines Norte ang isinagawa sa pangunguna ng 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion, 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, kasama ang 42nd Infantry “Tagapagtanggol” Battalion, 9th Infantry “Spearhead” Division, Philippine Army, Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company, at 91st Special Action Company ng PNP, dahil sa positibong impormasyong ibinigay ng isang pribadong impormante na tumulong sa pagtukoy sa pinagtataguan ng mga armas.

Nadiskubre ang isang taguan ng mga mahahabang armas ng NPA na naglalaman ng dalawampu’t anim (26) na M14 rifle, dalawang libo’t dalawang daan at apat na pu’t lima (2,245) na bala ng 7.62mm, labing limang (15) magasin ng M14, at apatnapu’t isa (41) na magasin ng M16. Ang mga ito ay itinuturing na isang matinding banta sa seguridad ng pwersa ng pamahalaan at ng komunidad na ngayon ay tuluyan nang naalis.

Ayon sa isang opisyal, “Hindi naging madali ang operasyon dahil sa masamang panahon at sa matataas at mahirap akyating kabundukan sa bayan ng Labo. Gayunpaman, dahil sa determinasyon ng ating mga sundalo at kapulisan, at sa suporta ng mamamayan ng Labo, naging matagumpay ang operasyon.”

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sakripisyo ng ating mga sundalo at ng kooperasyon ng mga mamamayang piniling ipaglaban ang kapayapaan.

Kapag nagkakaisa ang mamamayan at pwersa ng pamahalaan, ang kapayapaan ay siguradong makakamtan.

Source:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *