Tatlong weather system ang inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Sa ulat ng ahensya dakong 4 a.m., sinabi na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magpapadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Visayas, at Mindanao.

Samantala, ang amihan (northeast monsoon) ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Ilocos Region.

Apektado rin ang Central Luzon ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng shear line.

Inaasahan namang magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa localized thunderstorms.

Magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin at banayad hanggang katamtaman ang pag-alon sa nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flash floods at landslides sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan, lalo na kapag may thunderstorms.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1263369

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *