Matagumpay na isinagawa nito lamang Oktubre 30, 2025 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang Public Health Workers Assembly na pinangunahan ng Provincial Health Office sa pamumuno ni Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor-Mercado.

Layunin ng pagtitipon na bigyang pagkilala ang dedikasyon at sakripisyo ng mga Public Health Workers ng lalawigan, mga tahimik na bayani na patuloy na naglilingkod sa kabila ng mga hamon ng panahon.

Tinalakay ang kahalagahan ng mental health, routine immunization, at digital transformation sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan.

Ibinahagi ni Dr. Gerardo Carmelo Salazar ang usapin sa mental health bilang “invisible crisis,” habang ipinaliwanag ni Ms. Jandi Luis Cariño ang kahalagahan ng tamang komunikasyon sa pagbibigay tiwala sa pagbabakuna.

Tinalakay din ni Dr. Kris Conrad Mangunay kung paano binabago ng teknolohiya ang takbo ng pampublikong kalusugan.

Tunay ngang ang bawat health worker ay sandigan at inspirasyon ng isang malusog, matatag, at maunlad na lalawigan.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *