Sa pangunguna ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Catanduanes at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), opisyal na isinagawa ang “Handog ng Pangulo 2025: Serbisyo Para sa Lahat” sa Capitol Dome, Virac nitong araw, Setyembre 13, 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni Undersecretary Diana Rose S. Cajipe, MD, FPOGS ng DSWD Disaster Response Management Group, kasabay ng Nationwide Simultaneous Distribution of Various Presidential Assistance na isinagawa sa buong bansa.

Bahagi ng programa ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ang DSWD Field Office V – Bicol Region ang nanguna sa distribusyon ng 500 Family Food Packs (FFPs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat at kasalukuyang Low Pressure Area.

Naglunsad din ang grupo ng Mobile Kitchen upang makapagbigay ng mainit na pagkain para sa mga benepisyaryo ng programa.

Bukod sa DSWD, nakiisa rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang maghatid ng mga sumusunod na serbisyo: Department of Labor and Employment (DOLE): Job Fair at TUPAD payout; Department of Health (DOH): Medical Mission;
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA): Pamamahagi ng
training vouchers at iba pang suporta para sa mga mag-aaral; Kadiwa Store: Pagbebenta ng mga produkto mula sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD at iba pang partner agencies gaya ng DepEd, DENR, atbp., na nagbigay rin ng kani-kanilang serbisyo.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni USec. Cajipe ang matibay na layunin ng pamahalaan na maramdaman ng bawat Pilipino ang tunay na serbisyo, saanmang panig ng bansa sila naroroon.

Ang “Handog ng Pangulo 2025” ay patunay ng hangarin ng administrasyong Bagong Pilipinas na mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan at maitaguyod ang isang makatarungan, progresibo, at inklusibong lipunan para sa lahat.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *