Isang makabuluhang hakbang para sa mas maayos at epektibong serbisyo sa mamamayan ang isinakatuparan noong Setyembre 7, sa pormal na pagbubukas ng bagong Multi-Purpose Building sa Barangay Malapad, Real, Quezon.

Ang nasabing pasilidad ay magsisilbing bagong tanggapan ng lokal na pamahalaan at ligtas na kanlungan sa oras ng sakuna—isang patunay ng malasakit at kahandaang tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
Sa likod ng proyektong ito ay ang patuloy na hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na maabot at mapaglingkuran hindi lamang ang mga sentrong bayan, kundi maging ang malalayong komunidad.
Ang bagong gusaling ito ay simbolo ng pagkakaisa, pag-asa, at mas maunlad na bukas para sa mga taga-Brgy. Malapad.
Source: Provincial Government of Quezon