Nagpaabot ng tulong noong Setyembre 2, 2025, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region sa pamilya ng mangingisdang nalunod at natagpuang palutang-lutang sa karagatang bahagi ng Barangay Sampaloc, Sorsogon City noong Agosto 29, 2025.

Ayon sa ulat ng kapulisan, alas-5:10 ng umaga nang matagpuan ang wala ng buhay na 48-anyos na lalaki ng kapwa nya mangingisda.

Bilang tugon, nagpaabot ng tulong ang DSWD Bicol Crisis Intervention Section (CIS)-Sorsogon City sa naiwang pamilya ng mangingisda.

Nabigyan ng Php7,000 na tulong-pinansiyal sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) bilang suporta sa gastusin sa pagpapalibing.

Maliban dito, nagbigay rin ng psychosocial intervention ang social worker sa kapatid nitong nagproseso ng assistance sa tanggapan ng CIS. Ito ay upang matulungan ang naturang pamilya ng biktima na maproseso ang pagdadalamhati at pighati na nararamdaman dala ng pagkawala ng kanyang kapatid.

Ang inisyatibang ito ng DSWD Bicol sa pangunguna ni Regional Director Norman S. Laurio ay sumasalamin sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian, at utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masiguro ang maagap at mapagkalingang paghahatid ng serbisyo.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *