Nagsagawa ng 3rd Quarter Meeting ang mga tauhan ng Fisheries Management Area 7 Scientific Advisory Group (FMA 7 SAG) noong Setyembre 3-4, 2025 sa Tabaco City.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa munisipal at comercial na sektor, academe, NGOs, NGAs, LGUs, at mga eksperto sa pangisdaan (hybrid setup) upang talakayin ang pangangalaga sa sardinas sa Ragay Gulf, Ticao Pass, Burias Pass, at Northern Samar Sea.

Ibinahagi ni Dr. Wilfredo L. Campos, Scientist, ang biological na pag-aaral hinggil sa buhay ng sardinas sa FMA 7, kung saan binigyang-diin niya ang tamang sukat ng lawlaw/tamban bago ito mangitlog, gayundin ang kanilang migrasyon sa kabuuan ng FMA 7.

Ang mga datos na ito ay magsisilbing gabay sa pamamahala at sa pagtatatag ng pansamantalang pagpapatigil ng panghuhuli sa mga piling pangisdaan na saklaw ng FMA 7.

Tinalakay rin ang resulta ng konsultasyon sa mga stakeholder kaugnay ng mga iminumungkahing Harvest Control Rules at Measures para sa sardinas, kabilang ang mga posibleng lugar na isasailalim sa seasonal fishing closure upang mapanatili ang masaganang huli at kabuhayan ng mga mangingisda.

Kasabay nito, nanumpa rin ang mga bagong kinatawan mula sa LGU at aquaculture sector bilang opisyal na kasapi ng FMA 7 SAG.

Binibigyang-diin ng BFAR ang mahalagang papel ng SAG sa pagbabalangkas ng mga polisiya na nakabatay sa agham at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga stakeholder.

Sa pamamagitan ng matibay na balikatan at pakikipagtulungan, layunin ng BFAR na mapangalagaan ang sardinas, maprotektahan ang kabuhayan ng mga mangingisda, at patatagin ang seguridad sa pagkain ng bansa.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *