Inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Malinis at Masaganang Katubigan (MMK) sa isang simpleng seremony sa Lawas Seaside Resort, Brgy. Olo-olo, bayan ng Lobo, Batangas noong Huwebes, Mayo 28, 2026.

Nauna nang inilunsad ang nasabing programa noong 2016 bilang Malinis at Masaganang Katubigan ngunit ngayon ay kabilang na hindi lamang ang coastal kundi ang inland fisheries communities.

Kabilang sa itinataguyod ng programa ang climate resilience, environmental sustainability, at inclusive governance.

Tatagal nang tatlong taon ang patimpalak kung saan ang unang taon ay isasagawa ang information at capacity-building activities. Nakatuon naman ang ikawalang taon sa Coastal Fisheries search at sa ikatolong taon naman ang inland fisheries.

Alinsabay din sa paglulunsad ang pagbibigay pagkilala sa mga nanalo sa Fish Core Project kung saan itinanghal na kampeon ang Region 7, pumagalwa ang Caraga, at ikatlong puwesto ang National Capital Region (NCR).

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *