Muling isinagawa noong September 5, 2025 ang isang makabuluhang livelihood training para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng pamamahala ng BJMP-San Mateo.
Tinatayang 40 PDLs ang nakiisa at natuto sa paggawa ng Spanish-style Bangus Sardines, sa pangunguna ni Bb. Elvira Dalofin, isang tagapagsanay mula sa TESDA-Rizal.

Layunin ng pagsasanay na ito na bigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang mga PDL upang magamit nila sa muling pagbabalik sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Ang programa ay handog ng Gender and Development (GAD) Office, na patuloy na nagsusulong ng inklusibong pagpapaunlad ng kakayahan at oportunidad para sa bawat mamamayan.
Bahagi rin ang aktibidad na ito ng iba pang mga programa at selebrasyon na inihanda ng lokal na pamahalaan bilang pakikiisa sa Septemberfest 2025, na naglalayong maghatid ng sigla, pag-asa, at saya sa buong bayan ng San Mateo.
Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB Page