Binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region Regional Director Norman S. Laurio ngayong gabi ang 170 pamilya sa Guinobatan, Albay na inilikas matapos ang naitalang flash flood nitong Agosto 25, 2025.

Matatandaang nagsagawa ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay sa barangay ng Masarawag, matapos ang matinding pagbaha kasunod ng malakas na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA) at Hanging Habagat.

Kinumusta ni RD Norman ang kalagayan ng mga kababayang pansamantalang sumisilong sa evacuation center ng Guinobatan Community College.

Nagbigay naman ng mainit at bagong lutong mga pagkain ang LGU Guinobatan sa mga displaced families.

Sa kabuuan, nakapagbigay na ng 1000 family food packs (FFPs) ang DSWD Bicol sa mga apektadong pamilya sa loob at labas ng evacuation center.

Sa kasalukuyan, patuloy na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan para sa maagap na pagtugon kaugnay ng binabantayang sama ng panahon.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian na sinisiguro ang mabilis na pagpapaabot na tulong at serbisyo sa mga apektado ng sakuna at mga kalamidad.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *