Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region katuwang ang World Food Programme (WFP) ang Regional Consultation on Geographical and Household Targeting nito lamang Agosto 2, 2025 sa Legazpi City, Albay.

Layunin ng nabanggit na pagpupulong ang pagpapakilala ng DSWD/ WFPs partnership on Anticipatory Action (AA) and Emergency Responses, na siyang nagpapalakas at humahasa sa kapabilidad ng mga kawani ng nasabing ahensya at nagpapatatag ng implementasyon ng mga istruktura maging sa lokal, panglalawigan at pangrehiyong mga lebel upang maipahatid ang mga Rapid Response (RR) Interventions.

Dumalo din ang mga kawani ng Disaster Response Management Bureau (DRMB), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Regional at National Program Management Office sa nasabing talakayan sa pagitan ng DSWD FO V at WFP.

Patuloy namang pinapaganda ng DSWD Bicol ang mga programa at serbisyo nito sa pamamagitan ng paggamit ng mga technological approaches sa paghahatid ng social services lalong-lalong na sa panahon ng kalamidad.

Source: DSWD Regional Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *