Matagumpay na naipamahagi ang mga libreng libro at learning materials para sa mga Child Development Learners ng lungsod ng Tanauan noong ika-4 ng Agosto, 2025.
Pinangunahan ni Mayor Sonny Collantes at ng buong Pamahalaang Lungsod ang naturang pamamahagi, katuwang ang mga masisipag na guro at lider ng barangay.

Ang mga libro ay puno ng kaalaman at kasiyahan. Mayroong Math, Science, English, at Writing activity sheets na tiyak na makakatulong sa paghubog ng talino at kakayahan ng bawat batang Tanaueño.
Isa rin itong malaking ginhawa para sa mga magulang na hangad ang magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak.
Sa Tanauan, ang kabataan ay hindi lang kinikilala bagkus sila’y inuuna at inaalagaan. Sa sama-samang pagkilos, nagiging mas maliwanag ang daan tungo sa dekalidad na edukasyon at mas magandang bukas para sa lahat
Source: Tanauan CGTV