Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-37 National Disaster Resilience Month ngayong 2025, aktibong lumahok ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Quezon sa Regional Culminating Activity ng Office of the Civil Defense (OCD) IV-A noong Hulyo 30, 2025 na ginanap sa San Pablo City, Laguna.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Melchor Avenilla Jr., kasama ang PDRRM Council at mga kinatawan mula sa iba’t ibang LGU.
Binigyang pagkilala sina Governor Doktora Helen Tan, Dr. Avenilla, at buong PDRRMO sa kanilang masigasig na pagtugon at patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng lalawigan sa mga sakuna.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan para sa mas ligtas, mas maalam, at mas matatag na Quezon at patuloy ang pangako ng Pamahalaang Panlalawigan na itaguyod ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat Quezonian tungo sa isang mas matibay na kinabukasan.
Source: Provincial Government of Quezon