Nakiisa ang Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region sa pagdiriwang ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Roadshow 2025 alinsunod sa pagdaraos ng National Disaster Resilience Month ng lokal na pamahalaan ng Daet, Probinsya ng Camarines Norte nitong Hulyo 31, 2025.
Nagbahagi din ang DSWD FO V ng mga kaalaman tungkol sa mga serbisyo at programa na ibinibigay nito sa ilalim ng Disaster Response Management Division (DRMD).

Ang mga programang ito ay ang Technical Assistance for Camp Coordination and Camp Management (CCCM) , Internally Displaced Persons Protection(IDPP), Relief Assistance, at Prepositioning of Relief Goods.
Ang DSWD Bicol, kasama ang mga lokal na pamahalaan, ay laging nagtutulungan upang makapagbigay ng agarang serbisyo sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong.
Naniniwala si Regional Director Norman S. Laurio na ang ugnayan na ito ay malaking tulong upang mabilis na maihatid ang tulong sa mga apektadong lugar dulot ng sakuna at kalamidad.
Source: DSWD Field Office V