Isang sikat na pook-pasyalan ang matatagpuan sa Diving Capital of the Philippines, Mabini Batangas —ang Ysabella Mabel’s Beach House.
Swak ang destinasyon na ito para sa mga naghahanap ng mapayapang pahingahan sa tabing-dagat.

Mayroon itong beachfront setting na perfect para sa sunrise at sunset, mga pribadong kwarto na may mga basic amenities na at higit sa lahat ginhawang abot-kayang halaga para sa bonding ng pamilya, barkada at iba pa.

Ang Ysabella Mabel’s Beach House ay tila isang lihim na perlas sa Mabini, hindi marangya, pero tunay na nagpapalalim ng koneksyon sa kalikasan at sarili.
Source: Tara Na sa Batangas