Binisita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga LAWA Sites sa Barangay Tula Tula Grande at Barangay Busay, Ligao City upang magsagawa ng site inspection at assessment bilang bahagi ng preparasyon para sa nalalapit na distribusyon ng mga hinihinging fingerlings sa ilalim ng Project LAWA at BINHI nitong Hulyo 30, 2025.
Tinatayang 1,000 fingerlings ang nakatakdang ipamahagi sa Tula Tula Grande, sa kundisyong malinis at nabawasan ang lumot sa mga small-farm water reservoirs.
Patuloy din ang technical assessment ng BFAR sa Barangay Busay upang matiyak ang pagiging angkop ng lokasyon para sa tulong na ihahatid sa mga partner-beneficiaries.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pinalalakas na ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region at ng BFAR upang makapaghatid ng dekalidad na tulong-pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng programa, na layuning mapalago ang kanilang kakayahang magtaguyod ng sariling kabuhayan.
Source: DSWD Field Office V