Personal na naghatid ng tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad si Congressman Loreto “Amben” S. Amante at ang kanyang maybahay na si Kapitana Madette Janolino-Amante noong ika-22 ng Hulyo 22, 2025.
Kabuuang 128 pamilya mula sa Calauan, Victoria at San Pablo, Laguna ang nabigyan ng relief goods na ipinamahagi nina Cong. Amante at Kap. Amante.

Ang kanilang presensya ay naging simbolo ng malasakit at tunay na serbisyo publiko—hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Sa panahon ng sakuna, ang kanilang pagtulong ay nagsilbing liwanag at pag-asa sa bawat pamilyang nasalanta at isa itong paalala na sa bawat unos, may mga lider na handang dumamay, makiramay, at maglingkod ng buong puso.
Source: Laguna Patrol