Bilang bahagi ng layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng publiko sa ligtas at responsableng pagmamaneho, patuloy ang Land Transportation Office (LTO) Bicol sa pagsasagawa ng Free Theoretical Driving Course (TDC) at mga Road Safety Seminar sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon nito lamang Hulyo 7, 2025.

Layon ng programang ito na mabigyan ng libreng edukasyon sa tamang pagmamaneho at kaalaman sa mga umiiral na batas trapiko ang mga aplikante ng student permit at mga motorista. Bahagi rin nito ang pagtuturo ng disiplina sa kalsada, tamang asal ng mga driver, at mga praktikal na kaalaman upang maiwasan ang aksidente.

Ang naturang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni DOTr Secretary Vince Dizon at LTO Acting Chief, Atty. Greg G. Pua Jr., na isinasakatuparan sa pamumuno ni LTO Bicol Regional Director Allan Castillejos at Assistant Regional Director Vincent Nato.

Patuloy ang LTO Bicol sa pag-abot sa mas maraming komunidad upang matiyak na ang bawat motorista ay may sapat na kaalaman at kamalayan sa responsibilidad sa kalsada tungo sa mas ligtas na biyahe para sa lahat.

Source: Land Transportation Office – Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *