CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nakatakdang gamitin ng mga barangay sa Oriental Mindoro ang kanilang bahagi sa Php72.8 milyong Local Government Support Fund (LGSF) para sa mga proyektong magpapabuti sa kaligtasan, sanitasyon, at serbisyong pangkomunidad.
Kabilang sa mga prayoridad na proyekto ang paglalagay ng CCTV cameras sa Barangay Pachoca upang mapalakas ang peace and order, at rehabilitasyon ng drainage system sa Barangay Tibag upang matugunan ang problema sa pagbaha at kalinisan.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, malaking tulong ang pondong tig-Php200,000 bawat barangay upang maisakatuparan ang mga proyektong matagal nang hindi napopondohan sa regular na badyet.
Bukod sa LGSF, naglaan din ang pamahalaan ng karagdagang Php 3 milyong ayuda para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Basyang sa lalawigan.
Source: PIA MIMAROPA