Binuksan ngayong Sabado ang 2025 Tourism Expo and Festival ng lokal na pamahalaan ng San Andres, na naglalayong ipakita ang iba’t ibang tourist attractions, sining, at kilalang pagkain ng bayan nito lamang ika-22 ng Marso 2025.

Tampok sa expo ang mga booth na nagpapakita ng iba’t ibang produktong agrikultural, ang One Town, One Product (OTOP) Hub, at ang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa isang maikling programa ay ipinamalas rin ng mga residente ng San Andres ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw, na lalong nagbigay kulay sa pagsisimula ng pagdiriwang.

Layunin nitong i-promote ang turismo, ipakita ang mga natatanging destinasyon at kultura, at palakasin ang industriya ng paglalakbay sa pamamagitan ng networking, exhibits, at mga festival activities.

Source: Romblon News Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *