Pormal nang pinasinayaan ang Sta. Lucia Water Source Facilities ang isang makabagong pasilidad na layong mapalakas ang suplay ng malinis at ligtas na inuming tubig sa mga rural na barangay sa Puerto Princesa City, Palawan nito lamang ika-24 ng Marso 2025.

Dumalo sa inagurasyon sina PPCWD Board of Directors sa pangunguna ni Atty. Winston T. Gonzales, mga miyembro ng board, General Manager Walter J. Laurel, Deputy Mayor Rolando Amurao, C/INSP Renanto Leoncio Anas ng BuCor, at mga opisyal ng Barangay Sta. Lucia.

Direktang makikinabang ang mga residente ng Barangay Luzviminda, Barangay Mangingisda, at ang Correctional Institution for Women (CIW) sa Barangay Sta. Lucia, Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa Puerto Princesa City Water District (PPCWD) sa inilabas nitong pahayag ngayong araw, March 24, 2025, may kapasidad itong maglinis ng hanggang isang milyong litro ng tubig kada araw, gamit ang modernong Water Treatment Plant at UV Disinfection Facility na epektibo laban sa mataas na lebel ng dumi lalo na tuwing tag-ulan.

Source: Puerto Princesa City Water District

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *