Nasa mahigit 3,500 na katao mula sa buong mundo at mismo dito sa Pilipinas, ang inaasahang sasali sa kauna-unahang Palawan International Choral Festival, na nakatakdang ganapin sa Puerto Princesa sa darating na Agosto 13 hanggang 16, 2025.
Target ng mga organizers na magkaroon ng mahigit 20 Choir para sa international competition, 20 din sa National category, kasama pa ang mga Choir sa Palawan na sasali para sa Burunyugan fest na sabay ng paligsahan. Nasa Php300K ang premyo ng mananalong Choral group sa national category, habang i-aanunsyo pa sa mga susunod na araw ang premyo sa international level.
May bayad ang pagsali sa paligsahan, aabot sa Php20K ang registration ng isang Choral group, at additional Php10K kung gusto pang sumali sa ibang kategorya, ito ang Sacred Songs na gaganapin sa Immaculate Concepcion Cathedral ang paligsahan, habang ang Pop at Folklore category ay wala pang venue sa ngayon. Aabot naman sa $500 ang registration sa international competition per Choir. Libre naman ang accommodation sa mga dadayong participants.
Ayon kay Robert Delgado, Presidente ng National Association of Filipino Choirs, Inc napili nila ang Palawan dahil ito ang demand at request ng karamihan sa mga Choir sa Europa, na gustong makapunta ng Palawan, originally ay sa Cebu dapat ito gaganapin ngunit hindi natuloy, mahusay din anya ang mga local organizers na partner nila kaya dito sa Puerto Princesa idaraos. Maliban sa mga paligsahan, may conference din na magaganap.
Source: The Palawan Times