Matagumpay na isinagawa ang Gender and Violence Sensitization Training ng mga tricycle drivers ng Lungsod ng Calapan bilang bahagi ng 18-araw na kampanya para wakasan ang Violence Against Women (VAW), na ginanap sa Calapan City Hall nito lamang ika-28-29 ng Nobyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng PradyekLILA na kilala rin bilang Ending Gender-Based Violence Project ng lungsod, at ang pangunahing tagapagpatupad ng nasabing programa ay ang City Legal Department, City Social Welfare and Development Department, at City Public Safety Department.

Nakilahok din sa nasabing gawain sina CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSW, Executive Assistant, Vice Governor Office, Mr. Miko Atienza, President, People’s Council of Calapan City, Ms. Doris G. Melgar, Atty. Phoebe De Mesa ng Provincial Government Focal ng PradyekLILA at Special Assistant on Community Development, Ms. MA. Ellaine Kris R. Diomampo.

Ang aktibidad ay nakatuon sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga kalalakihan, bilang bahagi ng solusyon para labanan ang Gender-Based Violence (GBV).

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *