Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Rice Assistance sa mga Barangay Functionaries bilang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagbibigayan na ginanap sa RRM Memorial DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City noong ika-10 ng Disyembre 2024.


Kabuuang 5,430 na mga Barangay Functionaries mula sa iba’t ibang distrito ng Lalawigan ng Batangas ang tumanggap ng bigas sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas at sa pangangasiwa ng Provincial Assistance to Public Employment and Youth & Sports Development Office (PACPEYSDO).
Kasama sa naturang aktibidad sina Vice Gov. Mark Leviste, Sangguniang Panlalawigan 1st District Board Members (BM) Armie Bausas at JunJun Rosales, 4th District BM Jess De Veyra, ABC President BM Fernando Rocafort, PCL – Batangas Federation President BM Melvin Vidal, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, at PACPEYSDO Head Fredesvinda Mendoza.
Ito ay isang magandang hakbang para sa mga Barangay Functionaries na nagpapakita ng malasakit at pagtulong ng pamahalaan sa panahon ng Kapaskuhan.
Source: Batangas PIO