Nakisaya at nakiisa si Governor Hermilando Mandanas sa makulay at maningning na pagdaraos ng Christmas Lighting Ceremony ng Bayan ng Mataasnakahoy noong ika-29 ng Nobyembre 2024.

Nasaksihan din ang iba’t ibang disensyo ng mga parol ng ilang mga piling barangay, na iprinisinta at umikot sa kabayanan at tunay na kinagiliwan ng publiko.

Nakasama ni Gov. Mandanas sa kaniyang pagtungo sa ‘Pailaw 2024’ ng naturang bayan sina Batangas First Lady, Atty. Angelica Chua-Mandanas at Vice Governor Mark Leviste.

Sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy na ipinamamalas ng mga Batangueño ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *