Matagumpay na naisagawa ang pagbubukas ng pinakabagong Advanced Comprehensive Cancer Care Center sa East Avenue Medical Center, Quezon City noong ika-8 ng Oktubre, 2024.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan at ang pangunahing misyon nito ay makapagbigay ng mahusay, dekalidad at komprehensibong serbisyong medikal para sa pangangalaga at paggamot sa mga magiging pasyente ng ospital.

Ang East Avenue Medical Center (EAMC) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health (DOH) ay magbibigay ng mga serbisyong pang-medikal sa Radiation Oncology na kinabibilangan ng CT Simulation, External Beam Radiation Therapy, at Brachytherapy.

Ang Medical Oncology ay nag-aalok ng mga serbisyo tulad ng Chemotherapy, Immunotherapy, at Targeted Therapy.

Habang ang Nuclear Medicine ay nakatuon sa mga pamamaraan tulad ng Radioimmunoassay, Myocardial Perfusion Imaging, Bone Densitometry, Bone Scans, Parathyroid scan, Sentinel node scan, Gamma Probe, Thyroid Scans, Renal Scans, at PET/CT.

Samantala, ang Breast Care Center ay magbibigay ng Mammograms, Breast Ultrasounds, Stereotactic Biopsies, at Minor Surgery.

Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya at mga eksperto sa larangan ng pangkalusugan ay inaasahan ang patuloy na pagbibigay ng taos-pusong suporta at pagpapagamot sa mga pasyenteng apektado ng sakit na kanser.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *