Pormal nang binuksan ang Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura (BAGSIK) Group Exhibit sa Museo ng Batangas, People’s Mansion, Capitol Site, Lungsod ng Batangas, na isinagawa nito lamang ika-7 ng Oktubre 2024.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Museum & Galleries Month ngayong buwan ng Oktubre 2024, at isinagawa din ang “unveiling ceremony” ng Southern Luzon Alliance of Museum Inc. (SLAM).

Ang programa ay pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, kasama sina 5th District Board Member Arthur Blanco at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Chief, Dr. Katrin Buted.

Layunin ng aktibidad na pahalagahan at suportahan ang mga Batangueño artists upang maipagpatuloy pa ang pagpapamalas ng galing sa sining ng mga ito.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *