Ikinagalak ng mga residente ng barangay matapos silang makatanggap ng wheel type backhoe at mini dump truck mula sa himpilan ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa Barangay Maasin sa Palawan nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.

Ang turnover ceremony ay pinangunahan nina Ipilan Nickel President Atty Dante Bravo at Resident Mine Manager Alex Arabis, at tinanggap ni Maasin Punong Barangay Ruel Austria.

Matapos ang turnover, nagsagawa rin ang INC ng groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng tribal hall para sa Indigenous Peoples community sa anim na impact barangay na apektado ng operasyon ng mining company.

Ang groundbreaking ay dinaluhan ng mga IP communities, sa pangunguna ni BICAMM (Barong barong, Ipilan, Aribungos, Maasin, Mambalot) President Julhadi Titte.

Ang gawaing ito ay tanda lamang nang pagkakaisa ng mga mamamayan at pribadong himpilan upang magkaroon ng maayos at mapayapang komunidad na kanilang kinabibilangan.

Source: Palawan News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *