Nagpamalas ng galing ang mga nakilahok sa isinagawang Tactical Medical Training for First Responders na ginanap sa Calapan Nature Park, Bulusan, Calapan City nito lamang ika-4 ng Setyembre 2024.


Ang naturang training ay pangangunahan ng City DRRM Department na pinamamahalaan ni Mr. Dennis Escosora-DRRM Officer, kabalikat ang Disaster Emergency and Response Solution (DERS). Nakiisa rin si Calapan City Mayor Malou Flores Morillo bilang pagbibigay suporta sa aktibidad.
Layunin ng naturang training na mas bigyang kaalaman at kasanayan ang mga rescuers pagdating sa pagbibigay ng life-saving medical care sa mga delikado at kritikal na panahon at pagkakataon. Target na maibahagi at maipaalam sa mga naturang first responders ay ang trauma care, hemorrhage control, airway management, at ilan pang advanced medical skills.
Source: Tatak Calapeรฑo