Namahagi ng Family Food Packs (FFPs) at non-food relief items and Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap sa Barangay Butawanan, Siruma, Camarines Sur, nito lamang ika-25 ng Agosto 2024.

Isang pamilya na may 10 miyembro ang lubos na naapektuhan ng nasabing insidente.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dahil sa napabayaang lampara sa loob ng kanilang bahay. Wala namang naiulat na nasugatan o nadamay dahil sa insidente.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nakikitira ang pamilya sa kanilang mga kamag-anak sa nasabing lugar.

Umabot naman sa Php10,819.63 ang halaga ng tulong na naibahagi ng ahensya sa apektadong pamilya.

Makatatanggap din ng tulong pinansyal ang pamilya mula naman sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng DSWD Bicol.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *