Matagumpay na isinagawa kamakailan ang Tarabangan Caravan ng Ako Bicol Partylist para sa higit 500 benepisyaryo sa Munisipalidad ng Basud, Camarines Norte.

Mahalaga sa Ako Bicol Party List ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Bicolano. Kaya patuloy na umiikot sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan para ilapit sa mga kababayan ang libreng serbisyon medikal katulad na lamang ng libreng check-up at gamot katuwang ang Tanchuling General Hospital Inc.

Nakilahok rin sa nasabing aktibidad si Basud Mayor Adrian Davoco na buong sumusuporta sa programa.

Nagpapasalamat ang Ako Bicol sa mga partners sa matagumpay na aktibidad na ito: Gardenia Bakeries Philippines Inc.; BeyBi Ko; Freeda Napkin; Kabarro; Mogu Mogu at iba pa.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga naging benepisyaro dahil kahit gaano man sila kalayo ay naaabot pa rin sila ng iba’t ibang libreng serbisyo ng Tarabangan Caravan.

Source: Ako Bicol Partylist

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *