Nakatanggap ng Cash Assistance ang 538 partner-beneficiaries sa pagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Bicol Project LAWA sa BINHI payout sa Claveria, Burias Island, Province of Masbate nito lamang Hulyo 28, 2024.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Php7,900 para sa paglahok sa 20 araw ng cash-for-work and training (CFWT).

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilya ng mga magsasaka, mangingisda, mga katutubo, at iba pang grupong kinilala bilang vulnerable ng Listahanan 3 o sa pamamagitan ng mga pagtatasa ng Local Social Welfare and Development Office.

Ang DSWD FO5 ay nakapagbahagi ng may kabuuang Php4,250,200.00 na cash aid sa mga naging benepisyaro ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) mula sa siyam na mga kalahok na barangay.

Layunin ng Project LAWA sa BINHI na palakasin ang katatagan ng mga mahihirap at mahihinang pamilya sa panahon ng matinding tagtuyot, pagtugon sa kawalan ng pagkain at kakulangan sa tubig na pinalala ng pagbabago ng klima.

Source: DSWD BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *