Ramdam ng mga kababaihan ang pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa isinagawang libreng Pap Smear para sa mga kababaihan na ginanap sa Mega Health Center, Barangay Poblacion 3, Tanauan, Batangas nito lamang-29 ng Hulyo 2024.

Ang programang ito ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na nagbibigay pagpapahalaga sa kalusugan ng mga kababaihan sa kanilang nasasakupan.

Tinatayang nasa 300 na kababaihan ang target ng naturang aktibidad bilang bahagi ng pagsulong ng ligtas at protekdong Tanaueña laban sa sakit na Cancer.

Layunin ng programa na tiyakin at ipaalam sa mga kababaihan ang kahalagahan na ma-detect ng maaga at maiwasan ang malalang karamdaman patungkol sa pagkaroon ng Cervical Cancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *