Matagumpay na naisagawa ang pormal na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2024 sa Lungsod ng Tanauan, nito lamang ika-19 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang buong pamunuan ng DepEd Tayo-DepEd Tanauan City.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng Brigada Eskwela, hinikayat niya ang bawat isa na patuloy na magbayanihan, magtulungan ang iba’t ibang sektor ng komunidad upang mabigyan ng oportunidad ang bawat kabataang Tanaueño ng dekalidad na edukasyon.
Nagpaabot din si Congresswoman Maitet Collantes ng kanyang mensahe at suporta patungkol sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bawat paaralan na aniya’y “tahanan ng pangarap ng bawat kabataan.”

Mahalagang magkaroon ng programang katulad ng Brigada Eskwela bago magsimula ang pasukan upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at masiguro ang kalinisan ng kapaligiran ng paaralan para sa mga mag-aaral, magulang, guro at sa lahat ng empleyado ng paaralan.
Source : TanauanCGTV