May kabuuang 338 benepisyaryo sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) Cash-for-Work for Persons with Disabilities ang tumanggap ng Php1,335,100.00 cash aid nito lamang ika-19 ng Hulyo 2024 sa Daraga, Albay.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Php3,950.00 para sa sampung (10) araw na gawaing pangkomunidad.

Ang programa ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga taong may kapansanan na nauna nang natukoy at na-validate sa pamamagitan ng National Household Targeting Office at ng lokal na pamahalaan.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *