Kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Pedro Apostol, matagumpay na naisagawa ang Medical Mission na ginanap sa Covered Court ng Bloomingdale Subdivision Barangay San Pedro, Angono, Rizal nito lamang ika-28 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ni Kapitan Jonathan Vitor Hernandez ng Barangay San Pedro ang ilang mga libreng serbisyong pangkalusugan katuwang ang Generika Drugstore, EyeZone at Holcim Mining and Development Corporation sa suporta ni butihing Mayor Jeri Mae Calderon at Vice Mayor Gerry Calderon.

Ilan sa mga inihandog na serbisyong medikal ay ang murang Laboratory Test, ECG, libreng Eye Check-up at libreng masahe para sa mga residente ng nasabing barangay.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipakita ang malasakit, bayanihan, pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa dahil ito ang tunay na nagpapagaling sa ating bayan.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *