Malugod na tinanggap ng 17 na dating mga miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na nagbalik-loob na sa gobyerno ang karampatang tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang bawat isa ay nakatanggap ng tig-Php65,000 na immediate at livelihood assistance aid mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga former rebels (FRs), bukod pa sa certificate of eligibility mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), at tig-dalawang sakong bigas mula sa pamahalaang lalawigan ng Laguna.

Sa mensahe ni 202nd Infantry “Unifier” Brigade, Philippine Army Commander BGen. Cerilo Balaoro Jr., hinimok niya ang mga FRs na pagyamanin at paunlarin ang mga nakuhang tulong upang magamit nila sa kanilang mga pamilya.

Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *