Pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang kanilang pagtutulungan upang mapalawak ang akses sa edukasyon ng mga katutubong Mangyan sa pamamagitan ng pagtalaga ng 177 Government Internship Program (GIP) interns bilang community teachers.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan noong Hunyo 16 sa Balai Mindoro sa Calapan City, susuportahan ng mga interns ang pagpapatupad ng Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) na naglalayong mapabuti ang literacy at numeracy ng mga komunidad ng Mangyan, lalo na sa mga liblib at kulang sa serbisyong pang-edukasyon na lugar.
Source: PIA MIMAROPA